Marami na ang pagbabago na nagaganap sa ating sariling wika dulot ng modernisasyon sa ating bansa. Ang pag-usbong ng mga wikang impormal at ang paninirahan ng mga dayuhan sa ating bansa ay nakatulong upang mapalawak ang sariling wika. Hindi lingid sa ating kaalaman na unti-unti ng natatabunan at nalilimutan ang wikang sariling atin, ang Wikang Filipino. "Ang wikang nanggaling sa sariling nayon, ipatuto muli sa mga kabataan ng modernong panahon." Ito ang aming naging panghikayat sa mga mambabasa dahil dito pa lamang ay makikita na ang dahilan ng aming adbokasiya. Ito ay may kaugnayan din sa titulo ng aming adbokasiya na "Wikang Sariling Atin ay Huwag Sanang Limutin" dahil pareho nitong ipinapatuto na hindi dahil sa nagiging moderno na ang ating pamumuhay ay marapat na rin nating kalimutan ang wika na maituturing natin na ating naging pagkakakilanlan.
Nais namin na mapatuto sa kapwa naming mga kabataan na hindi mali ang magkaroon ng kaalaman patungkol sa wika ng ibang bansa, ngunit huwag naman sanang kalimutan ang sariling wika ng ating bansa. Nais naming ibalik ang halaga ng sariling wika natin. Nais din naming ma-engganyo ang ibang kabataan at hikayatin ang nakararami upang maging parte ng adbokasiyang nabanggit. Bilang kabuuan, nais naming ipahayag sa mga kapwa naming kabataan na malaki ang maitutulong ng pagmamahal sa ating sariling wika upang makamit at mapagtagumpayan ang ating mga mithiin sa buhay.
MGA PROGRAMA
Nakamit namin ang mga mithiing nabaggit sa pamamagitan ng aming 2 programang napapanahon para sa mga kabataan. Una, nagkaroon kami ng online na laro kung saan isasalin ang wikang Ingles sa wikang Filipino. Pangalawa, namigay kami ng mga fliers na may nakasaad na hugot lines na kaugnay sa aming adbokasiya.
Online na laro
Dahil sa marami ring kabataan ang nahihilig sa iba't ibang online na laro, naisip namin na gawing ganito din ang isa naming programa upang maging madali nilang mabigyang-pansin ito. Ang larong ito ay hindi lamang nagbigay aliw, kundi maging ng bagong kaalaman. Ang layuning ng larong ito ay ang madagdagan ang bokabularyo sa wikang Filipino ng mga maglalaro. Sa pamamagitan ng pagta-translate ng mga wikang Ingles sa wikang Filipino, masusubok ang dunong ng mga maglalaro sa ating sariling Wika. Inilagay namin ang link ng laro sa aming Facebook Page at Blog upang madali nilang makita ang laro.
Subukan ang laro: Isalin mo nga sa Wikang Filipino?
Hugot Lines
Ang isa naming programa ay ang pagbibigay ng fliers sa mga estudyante. Ang fliers na ito ay may nakalagay na hugot lines na sa panahon ngayon ay usong-uso. Ang hugot lines na ito ay kaugnay sa aming adbokasiya na huwag sanang limutin ang ating sariling wika. Naisip namin ang programang ito upang mamulat ang mga kabataan mula sa mga pagbabago hinggil sa ginagamit na wika sa pamamagitan ng napapanahong paraan. Nagsilbi din ang fliers na ito na paraan upang madaling maikalat ang aming Facebook Page at Blog dahil inilagay din namin doon ang aming link.
Mga fliers na aming ipinamigay
Ilang mga estudyante na nabigyan ng fliers
Bisitahin ang aming Facebook Page: https://www.facebook.com/wikangsarilingatinhuwagsananglimutin